Bilang isang tao, nararanasan ko ng maghusga, hinuhusgahan ng iba, pero hindi tayo dapat magpapa-apekto sa lahat ng sinasabi ng mga tao, kailangan mo malaman ang iyong halaga, walang perpekto sa mundong ito, ngunit dapat parin tayo manatiling magpakumbaba at hindi dapat tayo maghusga sa ibang tao.
Sunday, 5 January 2020
Bakit Tayo Humusga?
Hindi natin maiiwasan na mayroong mga tao na mahilig o nasa kanilang likas na katangian ang pag huhusga, pero bawat isa nating ay naka subok na mag husga sa iba. Hindi natin yan maiiwasan kasi tao lang tayo, walang perpekto sa atin.
Naniniwala ako na ang lahat ng tao ay natatangi, may ibat-iba tayong kakayahan, and ibang tao ay mahina, at ibang tao ay malakas, pero pare-pareho lang tayong halaga sa mata ng Diyos, pero sa sinabi ko hindi tayo perpekto at yan ay pag sisimula sa paghuhuska sa iba. Halos lahat ng oras ay hinuhusgahan ng mga tao kung ano ang ang wala sa kanila, kasi minsan naiingit rin tayo sa mga bagay na gusto natin na wala natin pero meron sa iba, at yan lang ang pinagmulan ng paghuhusga, kainggitan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment